Step 1
Pumili ka lang ng isa
Mas importante na makapagsimula ka kaysa maubos ang oras mo kakaisip kung alin ang pinakamaganda. Lahat sila may free version. Pumili ng isa, tapos doon ka muna.
-
ChatGPT
by OpenAI
- May free version
- Sa browser, o sa app sa iPhone at Android
- Sign up gamit ang email o Google account
-
Claude
by Anthropic
- May free version
- Sa browser, o sa app sa iPhone at Android
- Sign up gamit ang email o Google account
-
Gemini
by Google
- May free version
- Sa browser, o sa app sa iPhone at Android
- Gamit ang Google account mo (Gmail)
3 minutes lang 'to
- Buksan ang website sa browser, o i-download ang official app sa App Store o Google Play.
- Mag-sign up nang libre. Hindi kailangan ng card para sa free version.
- Mag-type ka lang na parang nagcha-chat sa kaibigan. Pwede ang English, Tagalog, o Taglish.
Ingat sa fake apps. Sa App Store o Google Play, tingnan kung OpenAI, Anthropic o Google ang developer bago mo i-download.
Kaya nilang tumulong sa
- Pagsulat ng email o message
- Pagpaplano ng budget
- Pag-aaral ng bagong topic
- Paggawa ng content
- Pag-intindi ng mahirap na text
- Pag-summarize
- Pag-brainstorm ng ideas
Lahat ng free version may limit kung gaano karami ang magagamit mo. Iba-iba ang limit at nagbabago paminsan-minsan, pero para sa nagsisimula pa lang, kadalasan sapat na 'yan.
Step 2 · Ang prompt sa video
Tanungin mo mismo ang AI
Hindi mo alam kung saan mo gagamitin ang AI? Hayaan mong kilalanin ka muna niya, para ang suggestions niya ay applicable talaga sa'yo.
Interview me about my work, my daily activities, and the problems I usually encounter. Ask me questions one at a time, and help me discover how I can use AI to make my life easier.
I-interview mo ako tungkol sa trabaho ko, sa mga ginagawa ko araw-araw, at sa mga problemang madalas kong ma-encounter. Isa-isa lang ang tanong mo, tapos tulungan mo akong ma-discover kung paano ko magagamit ang AI para mapadali ang buhay ko.
- Sagutin mo lang nang totoo. Hindi kailangang mahaba o perfect. Parang normal na conversation lang.
- Sa dulo, itanong mo: "Sa lahat ng na-suggest mo, ano ang top 3 na pwede kong simulan this week?" I-save o i-screenshot mo ang sagot.
Interview me about my work, my daily activities…
Sure! Let's start simple. What do you do for work, and what does a normal day look like for you?
Nagtitinda ako online, tapos ako rin gumagawa ng posts at sumasagot sa customers.
Nice! Which part of that takes the most time for you each day?
Step 3 · Copy-paste
Prompts na pwede mong subukan
Hindi kailangang laging complicated ang ginagawa mo sa AI. Kopyahin mo, tapos palitan mo ang mga nasa [brackets] ng sarili mong details.
-
Email
Isang email na matagal mo nang hindi masulat
Help me write a short, polite email to [kanino] about [ano ang gusto mong sabihin]. Keep it friendly and under 120 words. If you need more details, ask me first.
-
Budget
Simpleng monthly budget
My monthly income is about [halaga]. My regular expenses are [upa, kuryente, pagkain, pamasahe…]. Help me make a simple monthly budget as a table, and suggest 3 realistic ways to save.
-
Pag-aaral
Ipaliwanag na parang beginner ka
Explain [topic] like I'm a complete beginner. Use a simple example from everyday life in the Philippines. Then give me 3 short questions to check if I understood.
-
Content
Ideas para sa post mo
I'm making a Facebook post about [topic] for [sino ang audience mo]. Give me 5 opening line ideas and one short caption. Write it in natural Taglish.
-
Pag-intindi
May binasa kang hindi mo gets
I don't understand this: [i-paste ang text]. Explain it in simple words, then tell me the 3 most important points.
-
Araw-araw
Planuhin ang linggo mo
Here's what I need to do this week: [listahan]. Help me make a simple day-by-day plan. I'm free mostly [kailan ka free].
Hindi mo kailangang magsimula ulit. Sabihin mo lang:
Tap para i-copy, tapos i-send mo as your next message.
Step 4 · Build the habit
7-day challenge
10 to 15 minutes lang a day. Isang maliit na task bawat araw, para pagdating ng Day 7, may experience ka na talaga sa paggamit ng AI. I-check mo ang bawat araw na natapos mo, naka-save 'yan sa phone o browser mo.
0 of 7 days · Day 1 ka muna
-
Day1~10 min
Mag-sign up at mag-hi
Pumili ng isa sa tatlo, gumawa ng free account, tapos kausapin mo siya. Alamin muna kung ano ang kaya niya.
Hi! Beginner ako sa AI. In simple words, ano-ano ang pwede mong maitulong sa akin sa araw-araw? Give me 5 examples.
Hindi kailangang perfect ang tanong. Ang goal: makapagsimula.
-
Day2~15 min
Hayaan mong kilalanin ka ng AI
Gamitin ang prompt mula sa video. Sagutin ang mga tanong niya isa-isa, tapos hingin ang top 3 na pwede mong simulan.
Interview me about my work, my daily activities, and the problems I usually encounter. Ask me questions one at a time, and help me discover how I can use AI to make my life easier.
I-screenshot ang top 3. 'Yan ang gagamitin mo sa Days 3 to 5.
-
Day3~10 min
Isulat ang matagal mo nang hindi masulat
Email, message sa client, sagot sa GC, o caption. Ipagawa mo ang first draft, tapos ikaw ang mag-edit.
Help me write a message to [kanino] about [ano]. I want it to sound [polite / friendly / professional]. Give me 2 versions.
Basahin mo muna bago mo i-send. Ikaw pa rin ang final na boses.
-
Day4~15 min
Matuto ng bago
Pumili ng isang bagay na matagal mo nang gustong maintindihan. Pa-explain, tapos pa-quiz ka.
Teach me the basics of [topic] in 5 short steps. Use simple words and one example. After that, quiz me with 3 questions, one at a time.
Kung may hindi ka gets, sabihin mo lang: "Explain it again, mas simple."
-
Day5~15 min
Mag-plano
Budget, meal plan, o schedule ng linggo mo. Pumili ng isa.
Help me plan [budget ko this month / meals for 5 days / my week]. Here's my situation: [details]. Show it as a simple table.
I-check mo ang computation. Pwedeng magkamali ang AI sa numbers.
-
Day6~10 min
Subukan mo siya
Magtanong ka tungkol sa bagay na kabisado mo na: trabaho mo, lugar mo, o hobby mo. Tingnan mo kung tama ang sagot niya.
Tell me what you know about [bagay na alam na alam mo]. If you're not sure about something, say so.
May mali ba? Normal 'yan. Kaya laging i-double check ang facts, lalo na sa importanteng bagay.
-
Day7~15 min
Gawin mong habit
Balikan ang pinaka-nakatulong ngayong linggo. Gawan mo ng "go-to prompt" na paulit-ulit mong magagamit.
I want to regularly use you for [task na pinaka-nakatulong]. Help me write one reusable prompt that I can copy-paste every time. Ask me questions first if you need to.
I-save sa Notes mo ang prompt. 'Yan ang simula ng AI habit mo.
Challenge complete
Tapos mo ang 7 days!
May experience ka na sa paggamit ng AI. Balitaan mo ako sa comments: ano ang pinaka-nakatulong sa'yo?
Comment sa Facebook
Step 5 · Subscription
Gamitin mo muna ang libre
Huwag kang ma-pressure na mag-subscribe porket maraming gumagamit ng paid AI.
Para sa beginner, sapat na ang free version. Ang importante ngayon, nagagamit mo siya araw-araw.
- Nakakatipid ka na talaga ng oras
- Nakakatulong na siya sa trabaho mo
- Lagi mo nang naaabot ang limit, at kulang na talaga ang free version
Nagbabago ang presyo at limits ng bawat plan, kaya i-check mo sa official website ng AI na gamit mo bago ka mag-subscribe.
Bago ka magsimula
3 paalala
Simple lang, pero importante.
- Huwag i-share
Passwords, OTP, at bank details
Pati card numbers at government IDs. Hindi kailangan ng AI ang mga 'yan para matulungan ka.
- I-double check
Pwedeng magkamali ang AI
Lalo na sa facts, numbers, at importanteng bagay tulad ng health, legal, at pera. Sa mga 'yan, kumonsulta pa rin sa totoong professional.
- Okay lang
Kausapin mo lang nang normal
Hindi mo kailangang magaling sa prompting. Kung hindi sakto ang sagot, sabihin mo lang kung ano ang gusto mo.
- Hindi mo kailangang maging expert.
- Hindi mo kailangang maging techy.
- At hindi mo rin kailangang gumastos agad.
Ang importante, magsimula ka.
Libre 'to
Nakatulong ba?
If this helped, you can buy me a coffee through GCash. Any amount, walang pressure.